
EDUKASYON, isulong. (pero kailangan nating tumulong...)
Paano tayo makakatulong sa ating mga public school?
Anu-ano nga ba ang mga krisis na hinaharap ng ating mga paaralan?
Ano ba yung Cyber-Ed issue?
Magtanong tayo tungkol sa mga isyu sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Kausapin natin ang mga kasapi sa Philippine Business for Education (PBEd) na sina
Dr. Chito Salazar, Presidente ng Cagayan de Oro College-PHINMA,
Peter Perfecto, Associate Director of PBEd, at si
Oscar Sanez, Presidente ng Business Processing Association of the Philippines (BPAP --mga trabahong I.T. ang base --kasama kayo dito).
Iimbitahin natin din dito ang ilan sa mga musikero na gustong makilahok sa usapang ito.
Magtanong na kayo. O mag reklamo tungkol sa mga napapansin ninyong hindi maganda sa inyong mga eskwelahan. (public o private sige pwedeng sumali sa usapang ito)
Makinig tayo sa ipapahayag ng Phil Business for Education, after all, Education is everybody's business. (naksnaman)
Maraming mapupulot sa episode na ito, garantisado.