Ms. Earth 2006, Cathy Untalan bravely ventured to represent ladies that night, up against the male poets of Los Chupacabras. She notes that sometimes gentlemen are only gentlemen when they have ulterior motives. Pero hindi naman daw extinct ang mga maginoo.
Viva Los Chupacabras! Easy, Joel, Carl, and Mikael. Gentlemen, all. With their own poetic takes on the question at hand.
Ang idol kong si Joel Toledo ang nagsabi na hindi naman ata gender thing ang pagiging gentleman. Kung ang ibig natin sabihin sa pagiging gentleman ay isang taong considerate, matulungin, mapagbigay sa ibang tao. Human being decorum talaga yon, na hindi lang dapat naka ipit sa mga kalalakihan.
Easy, lead vocals is steady and sure on his stance that being a gentleman should not just be a response to someone who is a 'lady.' Kailangang standard siya and you yourself should set your bar.
Sabi ni Marj, napaka interesting mapansin na parang mas madami talaga ang gentlemanly ang demeanor sa probinsya kesa dito sa urban areas. Ang flip side naman nung coin na iyon ay baka mas chauvinistic din sila? Hindi naman pangkalahatan yon kundi obserbasyon lang ng isang babae na may pagkakataong ma-expose sa rural at urban men.
Legendary film maker Kidlat Tahimik shares on air the decorum of young men of UP Diliman in the 60's. Ang mga formal gatherings noon ay talagang halos pang demo ng "proper ethics and chivalry." Pero kailangan daw nating itanong si Ms. Sylvia Mayuga (na dapat guest din ngayong gabi kaya lang nagka lituhan sa schedule ng sunduan, sorry Ma'am!) ...dahil date ni Kidlat si Sylvia sa isang frat ball nung college. Upsilonian si Kidlat. Gentleman pa daw ba ang mga Upsilonian ngayon?
Si Cathy talaga ay may set stance against men who are only gentlemen to pretty women. Gentlemanyak daw talaga ang iba. She emphasizes the cruel stereotype she has to face as a beauty queen. Yung misconception daw na ang mga byuti kween ay mahihina o hindi matapang. Si Cathy ay matalino, maligalig, at may dunong. Hindi naive sa mga bagay bagay pero may trust and innocence level pa rin ng mahinhing babae. Nakakatuwa siyang panoorin makipag-verbal-boksing kina Mikael.
Si Mikael ay isang grad student sa hindi ko alam kung saan, haha, malamang UP Diliman din. Ang theory naman niya, kung nag dedemand naman ang kababaihan ng equality and the likes, eh di dapat wag na din maging prinsesa ang mga babae na parang mababasag kung hindi pag buksan ng pinto. Magaganda ang mga punto ni Mikael, parang lahat ng sinabi nya pwedeng ipang-topic sa iba pang mga episodes. Yung archetypes. Yung breaking down of the fixed notions and etc. Ang saya nito!
Si Carl ang walang pakundangang gentleman. Lahat ng naibahagi ni Carl ay yung mga gusto, malamang, madinig ng lola't nanay ko kung meron man akong pakakasalan. Maginoo at gentleman-dapat-lahat-full-stop ang stance niya. Both for women and men daw. Ang galing nila, lahat teacher.
Napadaan lang chamba ay si Cynthia Alexander. Wala daw siyang issue kung gentleman o hindi ang mga lalake, basta siya gentlelady at dapat pantay, mabait, at considerate ang pakikitungo ng bawa't isa sa bawa't isa. (parang mali mali ang Filipino ko no, Joel? Pwede bang mag episode summary sa Bisaya next time? Baka mas okey yon para sa kin...hehe)
Yung anak naman ni Kidlat Tahimik na si Kidlat de Guia, wala, nakisingit lang habang nag vivideo document ng episode. Hindi ko po ma alala ang sinabi nya kasi tawang tawa kami sa isang comment na ang gwapo daw niya sa radyo.
Pag dating sa behaviour, individuals talaga ang nagseset ng sarili na nyang standard. Bagamat may statistical norm o mga linya, malaya tayong makitungo sa kung ano mang paraang gustuhin natin. Pero ang isang napagkasunduan ng lahat, ay sana may kasamang ugaling mapagbigay at maalaga ang lahat ng Pilipino.
Pang byuti contest yung sagot na yon 'no. Pero kung si Cathy ang tanunging mo, ang sagot ng byuti kwin ay hindi general o safe. Ang sagot ng byuti kwin ay may tapang at talas. At, utang na loob, pagbuksan niyo pa rin ng pintuan ang mga nanay ninyo ha.
Wala na ako gaanong maalala, halos isang buwan na ang nakalipas mula sa episode na ito, kaya lang ngayon ko lang nakuha ang photos kaya ayun.
Patatawarin naman ako ng mga Chupacabras kasi ipa-plug ko ang soon-to-be-released album nila entitled "Release the Evil" ...sa mid September daw abangan, suportahan at tangkilikin. Bukod don, okey lang sa kanila ang pagkukulang ko sa pag update ng episode nila kasi gentleman sila lahat. (naks)
____________________________________________________________________
Gentleman pa ba ang mga Pinoy? Mahinhin pa ba ang mga Pinay?
Malakas na yata si Maganda, at tama lang yon. Si Malakas naman, kamusta na?
A light discussion on gender differences. Listen to the poets of Los Chupacabras headed by the poet JOEL TOLEDO level it off with Ms. Earth 2006 beauty queens, CATHY UNTALAN and some the other queens of her court. AH HAH! And joining us tonight will be the legendary film-maker -- KIDLAT TAHIMIK. Sayang hindi kita ang bahag sa radyo. And the lovely writer MS. SYLVIA MAYUGA. (kwela 'to, si Ma'am!)
After discussing homelessness, (ANG BIGAT KASI NUUUUNN) magpahinga muna tayo at mag usapang ugali muna. Magaan, malakas, maganda. Whew.
Magtanong kayo ng KAHIT ANO! si Team Toledo at si Team Earth ang makakapanayam, kasama si Kidlat sa Team Earth. Dahil mas maganda pa pwet niya kesa sa mga byuti kwin naten.
Note:
Malakas at Maganda
Philippine Folklore
Malakas and Maganda is about the origin of the native Filipinos.
When Bathala (God) was done creating the world, he was bored. He looked down over the earth and sent a bird into the world. The bird was flying around when it heard some sounds and tapping somewhere in the forest.The bird landed and found out that the sound is coming from a huge bamboo. He started pecking on it and pretty soon it split in the middle where a man came out of it. His name was Malakas, which means strong, and he told the bird, "My mate is in the other piece of wood." They got her out and her name was Maganda which means beautiful. The two got on the bird's back and flew away to find some place to live. They went flying around the world, and then finally, the bird saw a land and let the two giants set foot and live on it. When Malakas and Maganda stepped on the land their weight separated the land into islands (Philippines has 7,200 islands). Malakas and Maganda live on and produced millions of children, which came to be the Filipinos.
15 comments:
Gentlemaniac na siguro. Kasi kung maganda at seksi yung babae eh mabilis pa sa alas kwatro kung magbukas ng pinto at sa pagbigay ng upuan. . . . sabay ngiti.
Modern day Maria Clara. Magsusuot ng maiksing damit ngunit palagi naman hinihila pababa.
Comment laang alang tanong.
-Gentle Reader
gentleman pa nga ba mga pinoy? e nung isang beses na sumakay ako sa lrt at may sumaka na uugud ugod na lola wala manlang lalaking nag volunteer na paupuin si lola...ayun ako tuloy ang napatayo para paupuin si lola.. hahaha gentlewoman pala ako!
Naku dapat yatang itanong e kung kailan nga ba tunay na naging gentleman ang pinoy!!!ahaha..
Paano o saan nga ba nagsimula ang konsepto ng pagiging gentleman at ng pagiging mahinhin?
DAPAT ITAPON SA DAGAT UNG HINDI GENTLEMAN!!!!YUNG PINAUPO MAGPASALAMAT NAMAN KASI YUNG IBA HINDI MAN LANG NAG THANK YOU!!
Hello po!
Tanong ko lang po kung ano na ba ang definition ng isang "Gentleman" at "Mahinhin" ngyn sa masang pilipino?
ano ba ang possibleng dahilan bakit hindi nagiging mahinhin ang isang babae?
at ano ba ang possibleng dahilan bakit hindi nagiging gentleman ang isang lalake?
i hope you can share your opinions in these questions.
Godbless po at more power.
At sana ma-televise na kau pra more filipinos can participate in discussions that concerns us, filipinos and be informed.
nga pla binabati ko lahat ng mapuans! Viva Mapua!
ako bilang isang lalaki masasabi ko na hinde ako gentleman, walang ganun....
pantay lang ang karapatan ng babae at lalake.
kaya hinde na dapat pang asikasunhin ang mga babae.
sa lrt hinde ko pinauupo ang mga babae pag nauna ako pareho lng naman kaming nag bayad...
maliban na lang sa mga lolo , lola , may kapansanan at buntis.
yan lng ang mga sinasaalangalang ko..
Pokas---
gusto ko naman ang equal rights ng dalawang kasarian! pero gusto ko ding pinapaupo ako sa LRT! naman o....
sa tingin ko, ang pagbubukas ng pinta para sa isang babae ay hindi dapat tignan ng pagpakita na ang babae ay "weaker" sex.
why dont we look at it as their way of showing their concern? or perhaps even to show that they also enjoy serving women. because women really naman deserve to be served. it's their way of showing concern.
and i think women should allow the men to serve them also, and not take it as an insult.
nagiging aggressive na ngayon ang mga babae kase marami na ring bastos na lalake.
Good day !.
might , probably very interested to know how one can make real money .
There is no need to invest much at first. You may begin to receive yields with as small sum of money as 20-100 dollars.
AimTrust is what you thought of all the time
The firm incorporates an offshore structure with advanced asset management technologies in production and delivery of pipes for oil and gas.
Its head office is in Panama with offices everywhere: In USA, Canada, Cyprus.
Do you want to become an affluent person?
That`s your chance That`s what you desire!
I`m happy and lucky, I started to take up income with the help of this company,
and I invite you to do the same. It`s all about how to select a correct partner utilizes your savings in a right way - that`s AimTrust!.
I earn US$2,000 per day, and my first deposit was 1 grand only!
It`s easy to join , just click this link http://nujynaxu.kogaryu.com/yhuteqom.html
and lucky you`re! Let`s take this option together to feel the smell of real money
zenerx
I spent one day building a simple [url=http://knol.google.com/k/anonymous/-/ja5rj7eyboji/4]blogs[/url]. Could you give me some suggestion?
I would like to manifest you some of my websites that can compel you is totally appealing. These are singular things on the network and so divert go up a vulnerable with us with their assessment. It is definitely fine to me, so I be you to be forgiving. The most accomplished of these is definitely the [url=http://www.handsomemen.pl]przedłużanie włosów[/url], przedluzanie wlosow I count that you thinks germane like it there too much like me. Unexcelled wishes!
reatInsortHon
Hi, I do think thiѕ iѕ an excellent blog.
I stumbleԁupon it ;) Ι'm going to return once again since I book marked it. Money and freedom is the greatest way to change, may you be rich and continue to guide others.
my homepage manual lymph drainage
my web site: biofeedback therapy
Post a Comment