Chips Guevara, an engineer who advocates clean energy by manufacturing engine additions to your diesel vehicle that will allow you to run on used vegetable oil! WATCH HERE
Anyway, please post here.
1. Ano ang pinaka-reklamo mo tungkol sa ugali ng mga drayber sa kalye?
2. Ano ang suggestion mo para ma-bawasan ang mga gago sa kalye?
3. May experience ka ba na nag sumbong ka sa mga "How's My Driving?" hotline at may nangyari?
4. IKAW! Paano ka magmaneho o tumawid ng kalye, aber?
5. Survey question: kung ayaw mo yung MMDA PINK na kulay, ano ang isa-suggest mong kulay kay Bayani at bakit. Tapos magpa-petition tayo. Sakit sa ulo minsan ng pink grabe. At kung ikaw in charge sa MMDArt, ano ipi-pintura mo pamatong sa mga graffiti?
(at anong comment mo sa mga ga-higanteng mukha sa billboard...naman...)
12 July Sun on Rock Ed Radio.
32 comments:
Ayaw ko ng pink.
Gusto ko lemon yellow with black polka dots.
Pwede ba yun? Dapat pwede.
Speaking of MMDA, nandito sila ngayon sa Iloilo City para tumulong sa rehabilitation.
Mga isang batalyon ang pinadalang MMDA personnel ni Ate Glo dito.
Naka-pink sila araw-araw.
Nag-iisip ako tuloy kung ilang pirasong pink t-shirts ba talaga ang baon ng mga ito, o kung nagpapalit pa ba sila ng damit.
Laganap din ang pink streamers ng MMDA dito na may sambakol na mukha ni Chairman Bayani Fernando.
Bagay kaya kay Chairman Fernando ang lemon yellow with black polka dots?
Ipapalit ko sa MMDArt ay ang Cover Art ng 3rd Album ng Radioactive Sago Project!
yehey! magandang topic ito! at dahil jan, maraming akong masasabi:
1. FACT: maraming jeepney driver ang hindi marunong magdrive. mabibilis magmanehong parang byaheng langit na ang aabutin mo, nagpapaupo kahit sobrang sikip na, at ang lakas-lakas-LAKAS ng paulit-ulit nilang mga pinapatugtog.
2. FACT: Makapangyarihan ang mga taxi lalong-lalo na pag umuulan. ang titigas ng mukha na tumanggi sa mga pasahero, kesyo "pagarahe na ako" o kaya "dagdag +30 pesos na lang lugi drayber" o kaya "hindi pwede masyadong malayo". nawawala ang essence ng convenience ng pagkakaron ng taxi.
3. FACT: walang pakialam ang mga driver kahit na nasa pedestrian lane at may mga tatawid sa kalsada. kahit na nakabalandra na yung STOP ng mga guwardya, ayun, tuloy-tuloy pa rin sa pag mamaneho. malaking problema yan dati sa may Libis.
4. FACT: salot sa kalsada ang mga motorsiklo. (sa tingin ko lang) lalong lalo na pag kakanan (kunwari) ang isang sasakyan bigla sisingit yung nakamotor, magkadidisgrasya pa ng di oras. mahirap din tumawid lalo na pag may mga dumadaang nakamotorsiklo.
5. Sinubukan ko nang magtext dun sa LTRB hotline ba yun, via text. walang reply. nagresearch ako sa net, at marami talagang nagrereklamo na walang kwenta yung hotline/textline na yun. may forums ata akong nabasahan nun.
(next post ko na lang yung sa MMDA hehehe)
Bayani Fernando should leave the MMDA art to the real artists. Pink and blue? Ang sakit talaga sa mata. Bayani should go and ask the NCCA para sa mga art related matters para na rin matulungan yung mga artists na madiscover pa lalo yung mga talent nila. ayun. Diba?
@warrior in scrubs tanong lang.. di bat maganda na nanjan ang MMDA para tumulong sa iloilo dahil hanggang tuhod ang putik jan?
naisip ko lang naman.
mga billboard! BF for president? premature campaigning yan!
... kapag hindi kasi pink ang kulay ng MMDA eh walang gulong balentong si BF paguwi sa bahay.. hehe... at baka idol din ni BF si Andres Bonifacio...
(hint: fave color ni BF ay green; kay MCF ay pink)
... ang mga pinoy ay mga natural na daredevils... :]
... karamihan ng pedestrians ay ginagawang libangan ang katamaran...
... tingin ng mga drivers sa traffic lights:
GREEN ay GO!
ORANGE ay GO! (kung kaya pa)
RED ay GO! (kapag walang pulis)
... kay sir Rico...
tama sir! NO EXCUSES!
pero bakit po kelangan gulpihin ng mga bouncers yung ibang makukulit sa mga gigs? (pwede naman po sigurong igapos nalang sa lubid at ibitin patiwarik na nakabilad sa initan ng kalahating araw para magtanda... hehe... atleast uuwi silang walang sakit ng katawan..)
........
Pano ako magmaneho:
cruise driving lang.. parang nagiistroll lang sa alikabok sa kalsada with matching sipol pa...
Suggestion para mabawasan ang gago sa kalye:
pahigpitin ang pagkuha ng lisensya sa LTO... kung kelangan magexam magexam!.. NO EXCUSES!
palitan na lahat ng mga jeepneys natin ng mga e-jeepneys sa makati para limitado ang bilis ng mga bumabyahe... safe driving na environment friendly pa!
.......
I thought the topic was about asal kalye. I was about to post some of my rants when the show was already talking about the best oil to be used in cars. Oh well, never mind. sayang lang mga posts.
sabi nga ng mga guests kagabi, maraming batas tungkol sa trapiko at strict requirements sa pagkuha ng lisensya. ang problema lang ay ang implemetation! yun lang!
Anong mas safe gamitin- bicycle na single o bicycle with sidecar?
Kainis pag butas butas ang kalsada..makalog sa jeep kaya puro bukol ako pag dating ko sa school..
may mga sasakyan na ba sa Pinas na gumagamit ng solar energy?
Magkano tuition sa driving school?
Magaling si JP Tuason. naging trainor namin yan sa driving at preventive skills sponsored ng Ford at ng company namin.
You know guys, the driving condition here is bad coz of etiquette, lack of knowledge and ugali.
Bad trip yung mga drivers ng jeep dito sa PUP Bataan, ambilis maningilng bayad, antagal naman ibigay yung sukli.
Bad trip yung mga motor na walang ilaw sa gabi.
Pinoy kapag yellow yung light sa stoplight, nagmamabilis kasi ayaw na nila maghintay ng 15secs pa. Kaya maraming nadidigrasya..
There's an experiment a long time ago by a psychologist regarding color pink. A prisorner colored his cell pink and after 6 mos, bumait daw yung preso.
Bakit hindi puro na biofuel ang nilalagay sa mga sinasakyan natin.
JP, kelan ka nagumpisang mangarera and what car yung last na hinandle mo?
What's more fun doing, car racing or skateboarding?
Ano po mabibigay nyong advice sa mga newbie pag dating sa racing?
Ok yung E20 kaya lang Ford palang ang mga E20 capable na mga auto..expensive!
Sayang yung naimbento nung isang pinoy na tubig ang gamit as gasolina..kaso di sinuportahan..
May gumagamit na ba ng hybrid car dito sa Pinas?
The LTO test i took was a joke..Answers were given on the board and people I was with were jeepney driver-types who were copying from each other.
Nakakatakot yung mga lasing na konduktor ng jeep!
BAkit ba nagmamahal ang price ng oil sa world market..kumakain ba kayo dyan? hehe
Mag bisikleta nalang tayo lahat! Tipid at may exercise pa!
Ano po ba mas madali i-drive na car na pang racing?
Totoo po bang basta driver, sweet lover?
Post a Comment