Eavesdrop on a film-docu team's recount of the things they've witnessed in jails. Rock Ed Radio is a discussion on things we think we know about society but probably don't. So let's try this one.
Guests: Tado, Atty. Cadiz, Kris Lacaba, Pepe Diokno, Leslie Umaly. (Lourd de Veyra and Gang Badoy are part of this documentary project) We are waiting for Ditsi Carolino, creator of BUNSO to confirm her schedule.
Ano alam niyo tungkol sa mga bilanggo?
Nakulong ka na ba? Ano ang naging experience mo doon?
May kamag-anak ba kayo o kakilala na nakakulong?
Sa mga abogado, bakit ayaw niyo mag public attorney?
Ano ang tingin niyo na dapat baguhin sa ating mga bilangguan?
Share comments and anecdotes on our jail system. What you think the public should know about jails in the Philippines.
photo taken at the Bagong Buhay Rehabilitation Center
Lahug, Cebu
April 2007
9 comments:
testing. 1.2.3.
ayan. nakadalaw ako minsan sa munti-maximum security para sa NSTP class nung kolehiyo. dun ko nalaman na hindi pala totoo yung sa mga pelikulang pinoy na may ready ng pagkain at pipila nalang sila. kadalasan daw binibigyan nga sila ng pagkain pero hilaw. tapos 40pesos lang ang budget kada bilanggo - buong araw na yun, 3 meals. hindi na pangtao siguro ang makakain mo sa 40pesos. hayyyyyy.
aaaaaaay oo. makinig kayo sa Linggo ha, madaming madami kayong matututunan. magaling ang grupo na bumubuo ng Rock the Rehas project.
meron pinanuod samin sa school dati ung teacher namin, about minors na labas-pasok sa kulungan. documentary ata ng I-witness? anyway, tinalakay dun ung fact na sa sobrang liit ng mga kulungan at sa sobrang kawalan assistance sa mga nasa loob ng kulungan, pinapaghalo nalang nila ang minor's sa mga matatanda na. minsan pa nga, ung mga matatanda, makikita mo nalang na nagiinuman/ nagtatambay/ nakikitulog sa minor's quarters.
tapos may sinubaybayan silang bata doon. batang lalaki. may isang bese na pinalabas na sya sa kulungan dahil 10 palang sya, nahuli lang naman syang nag-rrugby/ nangungupit, pero ang hindi ko nga lang maintindihan noon, ay MAS GUGUSTUHIN PA DAW NUNG BATA NA MAGIIT SA KULUNGAN, KAYSA SA UMUWI SA KANILA.
basta. naiinis ako sa nanay nung bata'ng yon. O_O
nakita nyo na po ba ung documentary na un? if yes, what do you think about it??
-CHEKY
yung mga bading na ni rereyp. mga minor na napapahalo. at sobrang sikip ng kulungan parang hindi tao ang nakatira. kaya pati mga sakit hawa hawa na.
i think hindi lahat ng nasa kulungan ay may kasalanan yung iba ay napagbibintangan lang...
i hope na dumating ang araw na puro lang talaga masasama ang nasa loob ng kulungan
yeah, inhumane talaga...
i guess it really puts a stamp to our third world status. we cannot even fix or keep our hospitals open, ang mga kulungan pa kaya...
-sigh-
i worry for the health of the inmates too. ang daming sakit na makukuha---pneumonia, tb, mga stds...you name it...
We are blinded by what we see in movies or in a tv series. Let's take Prison Break.
Waw ang ayos ng kulungan at ang gwapo ng bida. Pero balik tayo sa katotohanan. Naisip ko lang, pag may bagong dating sa isang bilanggo, ano kaya ang unang itatanong sa kanya? "Bakit ka narito?" o "Ilang taon?"
Paano kaya siya tutugon?
Puno ba ang kulungan ng pagsisisi, pagkukumbaba o galit?
waw. malupit 'to.
nakakalungkot isipin na mas marami pa talagang kalokohan sa loob ng kulungan kesa sa labas.. may kilala ako dati, na bilanggo na... 1 year din siya nakulong dahil nagnakaw siya bigas..17 years old lang ata siya noon, at alam ko may batas na para sa anti-children imprisonment di ba? pero hindi siya napasama doon..
eto ang kwento niya, talamak daw ang drugs sa loob.. nakakalusot din ang mga patalim tuwing may bisita.. pag mayaman ka, angat ka.. ikaw kasi bumubuhay sa mga buhaya sa loob.. minsan pati din sa pulis..
hindi daw siya masyado makatulog dahil masikip at mainit.. pag wala ka pang kapit, panget pa pwesto mo.. minsan hindi ka na makakahiga sa sobrang dami niyo sa loob...
madami pa siyang kwinento.. kaso nakalimutan ko na ata yung iba.. hindi ko na siya nakikita ngayon..
naa-awa talaga ako sa mga batang nagagawang magnakaw para lang mabuhay..
sabi ng statistics, tumataas nga dollar:peso rating... 45php na nga halos ang isang dollar di ba? pero bakit ganun, mas tumaas poverty level natin? 24% daw ng population natin ay nasa poverty... 2nd lang tayo sa africa sa buong mundo na may 27%.. tsk tsk.. matuturing pa bang "lupang hinirang" ang Pilipinas kung ganito? mayaman daw tayo sa resources.. #1 daw tayo sa taga export ng copper sa buong mundo or asia ata sabi sa news.. madami din tayong gold/silver mines.. pero ano nangyayare? nasan na yung mga yaman na sinasabi? haaay.. kakalungkot isipin... chain reaction lang talaga lahat ng pangyayare na 'to...
Post a Comment