So we'd like to hear your ideas for the hot months ahead. (non-sequitur)
Tanungin natin ang ilang malikhaing Pinoy kung ano ginagawa nila tuwing summer.
Rem Zamora, thespian (Repertory Phils) and restaurateur (Piquant) along with Bryan Valenzuela of the School of Fashion Arts and Erica Paredes (This Kid Loves Vintage) will tell us what they used to do with their summer vacations. At kung meron bang isang summer na nagbago ang lahat ng desisyon nila. Yogi Tesa Celdran (Pulse Yoga) will join us and a storyteller from Adarna Books will represent the Raya School, instead of the earlier announced Ani Almario-David. :)
Career options. Hobbies. A craft. An art. Bumuo ng banda. Summer fun. Boredom. Raket. Kalokohan. Negosyo. Yoga and meditation. Mag volunteer. Sports. Think of all the possibilities!
I suppose this summer can be the summer that 'just whizzed by' or the summer that you decided on the rest of your life. (Oprah moment of the day, urrk*) Your call.
But wait --
We want to hear from YOU! Tell us:
1. Anong nakasanayan mong atupagin pag summer?
2. Kung may kailangan kang baguhin sa iyong "summer state of mind" ano 'yon?
3. Ano yung gusto mo talagang gawin ngayong walang pasok?
4. Bakit kaya hindi mo ginagawa?
5. Best summer advice you ever got. (on anything.)
6. This summer, would you rather be idle or wild?
SHARE!
Pag usapan natin 'to.
___________

Ang advice lang ng Rock Ed Radio ay ito. UMINOM NG MARAMING ....................... tubig. :)
illustration by O.Phipponneau;layout by GangBadoy
27 comments:
hello beautiful people :)
1. Anong nakasanayan mong atupagin pag summer?
--> mag internet to sawa at manood ng dvds (oo pirated. sorry ha:P)
2. Kung may kailangan kang baguhin sa iyong "summer state of mind" ano 'yon?
--> summer state of mind? siguro kelangan kopang mas maging productive. hence the topic :)
3. Ano yung gusto mo talagang gawin ngayong walang pasok?
--> pahinga lang talaga :P
4. Bakit kaya hindi mo ginagawa?
--> responsibilitites come first
5. Best summer advice you ever got. (on anything.)
--> a friend told me last summer: "drop it like it's hot". so true :P
6. This summer, would you rather be idle or wild?
--> wild to the nth power!
may psychological effect ang pagiging mainit ng panahon.. mas dadami ang pikon na tila lahat may mga regla, mas dadami ang mahahalay na bebot kasi kahit san may nakahubad, dadami ang tamad kasi nga masarap matulog at marami pa din ang mag-iinuman ng tanghaling tapat kahit na napakainit na talaga..
may tanong ako.. nung unang panahon ba, anong ginagawa ng mga pilipino pag summer? kagaya din ba ng mga inaatupag sa ngayon? ano po ang kaibahan at pagkakaparehas?
si lourd ba kelan ko makikita sa beach na nakabrief lang? (haha. how gay! nyaha!)
ang masayang gawin ngayong bakasyon ay magreinvent ng sarili..gawin ang mga di pa nagagawa na pangarap gawin kasi iyong iyo ang oras mo. Wild dapat tau! Be productive..tara at magreproduce. hahahaha.
wuhoooooooooo! galing ng mga comments ah.... keep 'em coming....
hello hello hello :))
1. Anong nakasanayan mong atupagin pag summer?
---hmmn, matulog at maligo at kumain at mag internet :))
2. Kung may kailangan kang baguhin sa iyong "summer state of mind" ano 'yon?
---siguro kelangan kong maging productive den(gaya gaya ng sagot e no?), hindi ung puro tulog lang.
3. Ano yung gusto mo talagang gawin ngayong walang pasok?
---humiga, at mag OL maghapon.
4. Bakit kaya hindi mo ginagawa?
--- dahil pinipigilan ako ng nanay ko. utos dito, utos duon. :p
5. Best summer advice you ever got. (on anything.)
---get a summer job (just kidding)! enjoy your vacation while you're YOUNG.
6. This summer, would you rather be idle or wild?
--- WILD WILD WILD BABY!
pabati naman kay serr lourd!
Tara volunteer tayo sa RockED!!!!
... mainit magbabad sa harap n computer dahil mapiprito ang pwet naten!... masmalameg sa harap ng refrigerator!...haha...
... siguro masaya magikot ikot sa mga lugar sa Maynila... hanapin yung mga nakalimutang lugar sa Maynila.. hanapin din yung porn paradise sa Quiapo na sinasabe nung kaklase ko!,,, haha...
panu pala po magvolunteer sa RockED? interested ako...:D
yo tagadyanlang pag nahanap nyo na ang dvd paradise sa quiapo pakirelay sa akin hahahahaha :P
most summers noong bata ako were spent in advance math classes para maghanda sa darating na pasukan. buti na lang. with those classes, my math grades revolved around 88-82. pano kaya kung di ako nagsummer class?
my most memorable idle moment: noong mga 11yrs old at 2yrs ang kapatid ko, nagluto ng isang kalderong arrozcaldo yung katulong namin. tapos nagpuno siya ng tatlong containers ng tubig -- drum sa kanya, giant plastic balde sa akin, at baldeng maliit para sa kapatid ko. nakababad kami mula tanghalian hanggang umuwi ang nanay ko galing opis. nakinig kami ng drama sa radyo buong hapon. minsan may balita. meron pa nga atang advice sa pagsasaka. katabi rin namin yung kaldero ng lugaw so nonstop kain kami. DA BESH!
ani, pag idle sa summer gaya nang matagal ko nang pinapangarap na mangyari... dapat may lugaw. [eeeyng?]
80-82 pala yung grade. 88 nailagay ko. taas nun a.
ang pinaka da best gawin kapag summer syempre ay matulog at mag-online buong magdamag. =) ilang summer ko na rin naiisipang humanap ng summer job pero nakakatamad talaga ang tindi ng init kaya hwag na lang! hehehe...masarap din magpagupit kapag summer, new look! hahaha =)
masarap magpapayat kapag summer! syempre kapag mainit lagi kang pagpapawisan! hahahahahah :D
magbasa ng GUCCI GANG controversy!!! Interview niyo naman si DJ Montano at Tim Yap, Ma'am Gang!!! diba no Sir Lourd???
Meah naka relate ako dun ah! haha
Samin drum tapos tatlo kami.. tapos patagalan sa ilalim ng tubig.. hehe
1. Anong nakasanayan mong atupagin pag summer?
--> nung bata ako tumambay sa mall... ngayon may summer job na ko! hahaha!
2. Kung may kailangan kang baguhin sa iyong "summer state of mind" ano 'yon?
--> uhm.. wag na humarap ng matagal sa ref dahil malakas sa kuryente..
3. Ano yung gusto mo talagang gawin ngayong walang pasok?
--> i-explore pa yung iba kong talents!.. eg.. tulog marathon, magluto, etc
4. Bakit kaya hindi mo ginagawa?
--> tulog marathon? paggumigising kasi ako wala nang agahan... di nila ako tinitirahan, kaya nung xmas vacation nagaral talaga ko magluto para di na ko magugutom...
5. Best summer advice you ever got. (on anything.)
--> magtrabaho ka naman dito sa bahay! (from nanay)
6. This summer, would you rather be idle or wild?
--> wild sa umaga at gabi pero idle sa tanghaling tapat...
ako pag summer nagkikita kita lagi ng mga kapitbahay, halos araw araw, walang pinag uusapan, tapos naka tambay lang pero masaya! minsan makiki nood lang ng TV sa isang bahay kasi may F.E.N pa noon tapos isang tao lang sa kalye namin nakapagpakabit! nanonood kami ng Lakers Celtics. at nag iipon para maka renta ng betamax
Bukod kay Lourd, sinu-sino ang gusto ninyong makita sa beach ngayong summer? at ano kaya yung ginagawa nila dun?
Kelan at paano nagsimula ang paggawa ng halohalo? ano ang mas masarap, yung ube ang nasa taas o yung leche flan? at bakit lagi nalang nila tinitipid ang paglalagay ng gatas sa halohalo?
bakit madalang ang ma-brainfreeze sa halohalo?
bakit nagpapa-tan pa ang mga pilipino kahit kayumanggi na sila?
anu ba talaga ang reason ng mga tao sa pagpunta sa beach? lumangoy o magpakita ng katawan?
other than Bora, can you give me an alternative beach to go to this summer?
anong mas masarap, halo halo o fruit shake? confused ako ee.
san mas masarap pumunta, sa beach dahil mainit o sa mall dahil malameg?
totoo ba na dahil summer e nagtataasan ang bill sa kuryente? e ung inyo? tumaas ba talaga?
san mas maganda, galera o bora?
nyahahaha!
it's summer baby!
:))
†
Isn't it too hot for yoga? Ang yoga ba pang mayaman lang? How will it benefit me ba?
ang summer sa pinas bakasyon kung bakasyon...
masaya nga pinoy summer eh... ang swimwear natin big t-shirts at shorts, tas nakatayo lang sa beach tatalon-talon pag may alon. yay!
(yung iba ha, kasi meron ding iba na nasasanay nang mag swimsuit talaga..o kaya proud na sa katawan nila :-P)o kaya magbilad sa araw, magpapa-tan kuno eh tan na naman (yung iba ayaw mag beach kasi sayang daw ang gluta! :-P)
ako bukod sa work (boooo) busy na kay brian gorrell..mahabang oras din sa isang araw ang dapat gugulin para laging updated hehehe
sa tingin ko ay wag munang magbeach ngayon dahil:
1. yan din ang iniisip ng maraming tao (therefore puno ang beach)
2. nakakaitim ang araw (global warming = skin cancer + sunburn)
3. madumi na ang tubig! (sa mga pristine beaches naman, sobrang mahal ang bayad)
so there. :D siguro magkukulong na muna ako sa bahay, magaayos ng sangkatutak kong gamit (magsort ng damit, cds, bags, etc)...
Tin latag nalang tayo ng inflatable na pool! hahaha
Sarap ng buhay estudyante kapag summer, nakaka-miss din ang summer vacation, eto yung mga nami-miss ko:
1. Gumawa at magpalipad ng saranggola kasama ang tatay ko.
2. Mamitas at kumain ng hinog na manga.
3. Ma-myesta sa kalapit-baranggay.
4. Maglaro ng basketball (liga to tol).
5. Mag-outing kasama ang pamilya.
Ngayon at iniwan ko na ang buhay estudyante, plano ko this summer...
KALBUHIN ANG ASAR KONG BOSS SA OFFICE!!!!!
Tuwing summer..nung bata pa ako..madalas kaming magbisikleta ng mga pinsan ko. Sampu kaming lahat na naka bike. yung iba naka angkas, yung iba nasa sidecar. Ang saya, nagba bike kami sa hapon, lumalabas kami sa village namin at nagpupunta sa kalsada at sa iba pang kalsada na short cut at di alam ng ibang tao.
Pagkatapos kakain kami ng halo-halo..pagdating sa bahay ng lola namin..nood ng tv. Ayun :p
Mukhang maganda ang topic this sunday.
Pa-comment ako ha! :D
1. Anong nakasanayan mong atupagin pag summer?
-manood ng TV
-mag-internet
-dvd marathon
-kumain ng junk food
-mag-gitara at kumanta
-mag-drawing
2. Kung may kailangan kang baguhin sa iyong "summer state of mind" ano 'yon?
-ang summer state of mind ko kasi eh..pag summer, buhay tamad.
Dapat ngayon ay pag summer, 'wag tatamad-tamad (kahit mainit). Gusto ko na may "bago" akong magawa at matuklasan ngayong bakasyon.
3. Ano yung gusto mo talagang gawin ngayong walang pasok?
ANG DAMI EH:
-pumunta sa mga magagandang beach!
-mag-aral ng isang bagong skill/talent.
-mag practice na mag drawing
-matulog at magpahinga
-magtahi ng damit (para sa pasukan may maisusuot na ako)
-gumawa ng mga burloloy para maibenta ko sa pasukan.
-gumawa ng maraming tshirt.
4. Bakit kaya hindi mo ginagawa?
-hindi ko pa ginagawa kasi may pasok pa ako ngayon. hehehe
5. Best summer advice you ever got. (on anything.)
-wag kang magkulong sa bahay. makisalimuha ka sa ibang tao.
6. This summer, would you rather be idle or wild?
-siguro pareho. Hindi naman ako pwedeng maging wild o idle lagi. Basta balance na lang ng dalawa. :D
@tagadyanlang
hahaha! oo nga e :D mainit talaga sa pilipinas grabe!
'di ba mas ok uminom ng mainit na kape kesa kumain ng halo-halo this summer kasi pag uminom ka ng mainit, pagpapawisan ka ng malamig at yung pag nag-evaporate ng pawis mo, magbibigay yun ng cooling effect (tulad ng sa alcohol pero mas malamig yun kasi mas mabilis mag evaporate). ang halo-halo naman, malamig nga kaso maraming sugar, at ang sugar e nagpapainit sa katawan...
ngayong summer masarap maghalo-halo... ung maraming nata de coco... yummy!Ü
Post a Comment