Sunday, March 2, 2008

March 9 on Rock Ed Radio >> Mga Alagad ng Sining

Di naman panay dilim
ang gabing walang buwan
pagkat maraming bituin
akong nakita noon,
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.

mula sa "Nakatingin sa Bituin" ni G. Pete Lacaba


Eavesdrop on this conversation among giants in the Philippine cultural scene. The poet, Pete Lacaba, talks to the thespian Irma Adlawan talks to the legendary Kuya Bodjie Pascua ---then they talk to the nobodies (haha) Gang Badoy and Lourd de Veyra. (flip over to one big vice versa)

"Para sa inyo, ano ang dapat na critera para sa isang Pambansang Alagad ng Sining?" Ano ang traits ng mga nagiging National Artist? Ano ang hamon sa isang artista ng mga panahon?

Post in your comments and questions now.

Definitely an interesting episode coming up.

Tune in! Sunday, March 9 2008. @8pm.


photo credit: Pete Lacaba portrait by Gang Badoy copyright 2008.
Taken at Conspiracy Garden Cafe 29Feb2008.

16 comments:

Anonymous said...

para kay Sir Pete: madami po kayong tula na naisulat noong Martial Law, ngayong mga NBN ZTE scandal times --may naisulat na rin ba kayo? do these times render you prolific again?

Anonymous said...

Waw. Si Irma Adlawan! Grabe, favorite thespian ko yan. :)

Anyway, I'm a Philippine Arts major. Tanong ko lang kung applicable pa ba sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng isang National Artist? Kakaunti na lamang kasi ang interesado talaga at nagdededicate ng oras para sa ganung larangan (art). Parang ginagawang sideline na lang yung sining.

At kung sila ang papipiliin, sino ang gusto nilang maging National Artist (kahit anong field of art)?

Anonymous said...

wow, present si kuya bodjie! naalalala ko tuloy ang batibot.

Anonymous said...

criteria? dapat hubad...sa katotohanan ang pagpapaliwanag thru their craft ( whether it's acting, writing or atbp.) at hindi lang "for the sake of art" =0) - Juice

Anonymous said...

Sir Bodjie: naging kontrabida na ba kayo? lagi po kayong mabait sa alaala ko, mabait po kayo sa totoong buhay?

Anonymous said...

kasama po ba yung mga taga DAKILA? sana play yung DAKILA song..
nakakaiyak yun e..

Anonymous said...

hello miss gang, sir lourd.. sorry po pala hindi ako makakapakinig ng show nyo ngayon (first time T_T), nood kasi ako incubus hehehe :D

anyway, tanong ko lang po kung anong nararamdaman ngayon ng mga naturingan na "National Artists", ngunit hindi gaano kilala ng mga tao lalo na ang mga kabataan?

Paano ba maging isang National Artist? Meron ba dapat na standard na sinusunod para maturingan sha sa ganitong bansag?

salamat at more power sa inyo! :)

hello kay kuya bodjie, idol kita talaga simula nung batibot days pa. hindi ko nakakaligtaan ang mga story-telling mo dati. ^_^

Anonymous said...

Si Gloria Arroyo ang Bagong National Artist natin....pinaka-magaling na "ESCAPE ARTIST" ! - JUICE

Anonymous said...

speaking of batibot. pag napapanood ko siya ngayon ay natatawa ako at hindi ako makapaniwala na nanonood ako ng ganun nung bata ako. perokung titignan mo talaga ung show makikita mo na sobrang daming magagandang bagay na mapupulot dun na hindi mo makikita sa mga pinapanood ng mga bata ngayon, lalo na sa mga dora at barney. kaya di talaga mapapantayan ung achievement ng batibot.

Pransism said...

I've been listening to RockEd Radio for three straight Sundays now and I'm definitely enjoying it.
Lalu na ung kagabi,grabe Sir Pete. Last ko siyang napanood eh sa Pahina pa ata (an ABS-CBN Show) when I was still in elementary.

Ma'am Gang, kayo po ba yung nagspeak sa UPLB Fair (Feb 15)? I was around the backstage at that time (medyo aning-aning na!) but you definitely caught my attention. Kaya nga ako napahook sa pakikinig ng RockEd Radio.=)

I am now thinking of spearhading RockEd-related activities sa munti naming lunsod (San Pablo City, Laguna). Is that possible? Salamat. =) (or do I have to sign up first as a volunteer to do that?)

More power to you, to Sir Lourd and your program!

Anonymous said...

Hello, I'm from UP. Topic namin po sa PanPil17 Rock na may kinalaman sa nangyayari ngayon, anu-anong mga kanta ang pasok sa GMA issue?

Anonymous said...

How do you get fundings for Indie films?

Anonymous said...

For me art is a way of experssing one's self. Having wide range of emotion will certainly affect each and every creation you make. Start with the basic.

Anonymous said...

Kay Kuya Bodjie - anong pakiramdam ng naging stereotype kayo sa Batibot? Pinagsisisihan mo ba yun?

Anonymous said...

I'm proud to say na si Noel Cabangon ang National Artist. He shows so luch love for our country. Proud ako kantahin ang songs nya kesa sa mga poging banda ngayon.

Anonymous said...

Ano po ba ang totoong pangalan ni Kuya Bodjie?

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-No Derivative Works 3.0 Unported License.