EDUKASYON, isulong. (pero kailangan nating tumulong...)
Paano tayo makakatulong sa ating mga public school?
Anu-ano nga ba ang mga krisis na hinaharap ng ating mga paaralan?
Ano ba yung Cyber-Ed issue?
Magtanong tayo tungkol sa mga isyu sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Kausapin natin ang mga kasapi sa Philippine Business for Education (PBEd) na sina Dr. Chito Salazar, Presidente ng Cagayan de Oro College-PHINMA, Peter Perfecto, Associate Director of PBEd, at si Oscar Sanez, Presidente ng Business Processing Association of the Philippines (BPAP --mga trabahong I.T. ang base --kasama kayo dito).
Iimbitahin natin din dito ang ilan sa mga musikero na gustong makilahok sa usapang ito.
Magtanong na kayo. O mag reklamo tungkol sa mga napapansin ninyong hindi maganda sa inyong mga eskwelahan. (public o private sige pwedeng sumali sa usapang ito)
Makinig tayo sa ipapahayag ng Phil Business for Education, after all, Education is everybody's business. (naksnaman)
Maraming mapupulot sa episode na ito, garantisado.
Tuesday, October 9, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
I studied in a public science high school and my school survived because of donations. donations from parents and alumni. kulang talaga yung budget for the school.
back then, I hated the Parents' org. kasi puro project sa beautification ang inaatupag. pwede namang pambili ng bagong books sa lib (na walang pumapasok dahil panahon pa ng dinosaur ung books)
dagdag pa dun, medyo corrupt pa yung principal noon. tsk.
pano pa kaya ung mga public na public talaga...
to help public schools, I think kelangan talaga ng sapat na budget para sa kanila. eh since mahirap umapila dun, what we can do is donate as well. pero donate important stuff like books, lab stuff, desks, etc before projects like repainting, building of sheds, wth.
swerte ko kasi kahit public school ako ok yung facilities at research materials namin kasi r&d section pero madami talagang pblic schools lalo na sa kanayunan na kelangan ng tulong.. gawain to dapat ng deped pero kulang naman sa budget..
bakit parang ang hirap mag improve ng ating mga eskwelahan? pera lang ba talaga?
totoo bang may corruption sa Dep Ed? May proof?
What are your recommendations on how to improve the Dep Ed? If you became Dep Ed secretary what would you prioritize?
may mga paaralan na nagpapaganda lang pag PAASCU accreditation. di ba yun napapansin ng PAASCU accreditors o wala talaga silang pake?
PAASCU = Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities
bakit pinapayagan i-publish o ipagamit sa mga estudyante ang mga librong mali-mali ang informations?
hindi ba mas maganda kung hindi pwede magcollege pag hindi nakapasa sa NCAE?
hindi ba kasama sa trabaho ng DepEd tignan ang tuition fee ng mga paaralan? ..kung saan napupunta ang mga ito?
paano magiging fluent ang mga estudyante sa english kung may mga gurong hindi marunong mag-englsh?
wala bang parusa sa mga gurong may favoritism?
wala bang periodic training or seminars for public school teachers para ma-refresh ang information itinututo nila pati na rin para mag-improve and teaching skills nila?
Ok sa public school pag nsa section 1 ka, pag nsa lower section ka talo...
Curious Question..
Bkit ung ibang estujante pag my rules and regulation na pnapatupad and school ayaw sumunod? tulad ng pagsusuot ng ID within school premises at Magsuot ng proper uniform napakadaling sundin pero ayaw sumunod , ung ibang stujanteng wala sa ayos nabubugnot pag sinisita.. ang punto ko lang po, panu tayo madidisiplina kung ayaw ntin padisiplina tsaka panu tayo madidisiplina kung di tayo sumusunod sa rules and regulation...
Anyway nasa implimentasyon naman ng school yon dba, hmm bahala na nga cla dun basta ako ggraduate na ngayong october..good luck saken...
hmmm... I finished HS on a Private school last 2 yrs. ( and stll wala pa akong pinapasukang college, too bad for me... )and now, is the cyber ed is still applied on college degee? so I can be more informed...
also,
hindi ba natatakot ang DepEd na umasa nalang ang mga teachers sa CyberEd? kasi yung mga ilang teachers napilitan lang sila... that's what I've observed after I graduated...
thanks! natuwa ako sa topic niyo! I'll be waiting for some answers^_^"
this nation is pregnant with corruption. to say that this cybered project of the government is a total stupidity is an understatement. if this is how our government executives conceptualize, either they're salivating for the million bucks or they're just harebrained! mr. perfecto was right, we dont need new projects, we just need to keep the old ones running.
REINVENT THE SYSTEM OF EDUCATION
education can not make us all leaders but it can teach us how to choose a good leader.,- kiko machine .,, kaya pala di seryoso ang gobyerno sa edukasyon.,, sana naman ayusin ng dep ed ang education naten., its our only chance to be a better country., pano ka magkakaroon ng maunlad na bansa kung bobo lahat ng tao.., books, teachers and parents cooperation are needed to succeed!
- cheilo
Thank you for all your comments and suggestions! Should you wish to pursue your questions further, you may email me at pvperfecto@phinma.com.ph
Thanks to RockEd Radio for helping make education everyone's business!
also, check out our site at www.pbed.ph
Post a Comment